Panalangin
Para sa:
Lahat ng DSEs, mga Manggagawang Pastor at Diakonesa at mga Kaanib ng AIMPilipinas
Tungkol sa:
Samasamang panalangin para sa kaligtasan ni Atty. Joe Frank Zuniga at sa kanyang buong pamilya
Mapagpalayang pagbati, mga kasama sa AIMPilipinas!
Isang napakalungkot at di inaasahang pangyayari ang nagaganap ngayon sa buhay ng ating mapanindigan, maprinsipyo at magiting na kasama natin sa AIMPilipinas na si Atty. Joe Frank Zuniga (AIMPilipinas BOT Chairman at President). Mula noong Miyerkules (Hunyo 20, 2012) ng hapon, pagkatapos ng kanyang appointment sa Ocean Adventure, SBMA, Olongapo City, Zambales ay nawawala na sya. Natagpuan ang kanyang red color Honda Civic car sa Lahar River Bank, Carael, Botolan, Zambales noong Huwebes (Hunyo 21, 2012) ng gabi pero wala siya sa kanyang sasakyan.
Di man natin maidetalye ang buong kaganapan, kaninang umaga (Hunyo 23, 2012) sa Capitol Methodist Church, Balanga City, Bataan ay nagkaroon ng malakihang pagtitipon at panalanginan para sa kaligtasan ni Atty. Joe Frank Zuniga. Bagaman maigting ang paghahanap kay Atty. Joe Frank ng mga autoridad, magpahanggang sa ngayon ay di pa alam kung nasaan siya.
Mga kasama sa AIMPilipinas, isama po natin sa ating mga panalangin kasama ng ating mga pamilya tuwing agahan, tanghalian at hapunan ang kaligtasan at maayos na kalagayan ni Atty. Joe Frank. Gayundin sa panahon ng pananambahan ng lahat ng ating mga mission at local churches ng AIMPilipinas. Ipanalangin natin na buhay na buhay si Atty. Joe Frank, matagpuan na at makasama muli ng kanyang minamahal na pamilya at gayundin tayo. Ipanalangin din natin ang kanyang pamilya para sa ibayong kaaliwan, kalakasan, kapayapaan at kaligtasan nila. Sa gitna ng pagkundina sa di makatao, di maka-Dios at di makatarungang gawa ng mga taong may kinalaman sa pagkawala ni Atty. Joe Frank, ipinapanalangin pa rin natin na magliwanag nawa ang kanilang mga puso at isipan upang huwag saktan si Atty. Joe Frank at agarang pakawalan.
Mga kasama, patuloy tayong magpanalanginan, magtulungan at magmalasakitan sa isa't isa. Kasama natin ang Dios at Siya'y tunay nga na sumasaatin lagi sa pamamagitan ni Kristo Hesus at ng kapangyarihan, presensya at mahimalang pagkilos ng Banal na Espiritu.
Sumaatin lagi ang kapayapaan ng Dios!
Lito Cabacungan Tangonan
AIMPilipinas National Bishop (Punong Lingkod)

No comments:
Post a Comment