Thursday, July 7, 2011

METHODIST for TRUTH and JUSTICE!!!

The United Methodist Church West Middle Philippines Annual Conference Inc. Magsaysay St., San Jose, Balanga City, Bataan PAHAYAG NG LIDER NG LAYKO NG KUMPERENSYA PARA SA LAHAT NG METODISTA: Isang pagbati po sa ngalan ng ating Panginoong HesuKristo, Noon p...ong Hulyo 1, 2011 isang retiradong Obispo na nagngangalang DANIEL C. ARICHEA ang nagpalabas ng isang Pastoral Letter na diumano ang mga dumalo sa kumperensya ng Luacan UMC noong Mayo 29-31, 2011 ay hindi na kaanib ng United Methodist Church, samakatuwid ay wala ng karapatang gumamit ng mga ari-arian ng nasabing iglesia. Ito po ay isang malaking kasinungalingan. UNA: Ano po ang karapatan ng isang retiradong Obispo na magsabi nito sa mga tunay at lehitimong Metodista na hindi umaasa sa mga AMERIKANO para sa SWELDO? IKALAWA: Sa pahayag niya na ito ay isang maliwanag na paglabag sa Book of Discipline na sila diumano ang nagpapatupad. Ayon po sa par.2714 (6) ng Book of Disciplie "If the trial court finds that the charges are proven by clear and convincing evidence, then it may impose such penalties as it may determine, including that the professing membership of the charged layperson in the United Methodist Church be terminated, provided that the trial court shall first consider other remedies that would fulfill the _________" Ibig pong sabihin ay kailangang dumaan sa proseso ng katarungan bago magdesisyon ang hukuman ng iglesia na itiwalag na ang mga miembro. Ganito din po ang proseso para sa mga pastor at dyakonesa. Hindi po OBISPO ANG NAGDEDEKLARA nito.. Samakatuwid ay maliwanag na naman ang paglabag ng nasabing Obispo sa Book of Discipline gaya ng ginagawa nila, kalakip po dito ang desisyon ng Committee on Investigation kaugnay sa mga paglabag ng mga OBISPO sa disiplina ng iglesia bilang ANNEX "A". IKATLO: Bakit sasabihin na ng nasabing OBISPO na hindi na magagamit ang ating iglesia na diumano ay pag-aari ng UMC? Siya po ba ang bumili nito? Ano po ang kapangyarihan niya para magsabi ng ganito at gawin ito? Tayo po na mga layko katulong ang mga manggagawa ng iglesia ang bumibili ng mga lote at nagpapatayo ng mga gusaling sambahan hindi po ang mga OBISPO ni ang mga amerikano. Hindi po sila tumutulong sa pagpapagawa ng mga gusali. Tayo po ng mga miembro ang nagpapakasakit sa mga itinatayo nating mga gusali at sa maaming pagkakataon kabalikat natin ang mga Koreanong Metodista, na ''autonomous churches'' at hindi sila na mga OBISPO. IKAAPAT: Ang ordinasyon po ng mga pastor at commissioning ng mga dyakonesa ay magagawa natin sa pamamagitan ng ating TUNAY NA HALAL AT LEHITIMONG OBISPO na si OBISPO LITO C. TANGONAN, kaya wala pong dapat ipangamba ang mga pastor at dyakonesa at ito ay magagawa natin sa mga iglesia local. IKALIMA: Maliwanag na ayaw ng mga OBISPO na ariin na ng mga iglesia local ang ari- ariang dapat sana ay sa atin, subalit hindi na nila tayo mapipigilan sapagkat ito ay isang magandang prinsipyo ng METODISTA ang pagiging mabuting katiwala ( CHRISTIAN STEWARDSHIP). Dinadaan ng liderato ng iglesia sa pamamagitan ng pananakot, pagsuhol at panlilinlang upang sila ay suportahan ng mga manggagawa at layko. Wag na tayong matakot sa kanila labanan natin ang mga katiwalian sa iglesia at tumayo sa prinsipyo ng katarungan batay sa Banal na kasulatan. Manindigan tayo sa kasarinlan ng ating minamahal na iglesia. Ako po ay nananawagan sa malawakang '' civil disobedience'' o hindi pagsunod sa mga OBISPO bilang protesta sa mga kawalan ng KATARUNGAN at KATIWALIAN . Ito po ay karapatan natin batay sa SALIGANG BATAS o 1987 Constitution of the Philippines. 
 Kay Kristo, 
Ito po ang inyong Lingkod
 Atty. JOE FRANK E. ZUNIGA Conference Lay Leader

No comments:

Post a Comment